[ REPUBLIC ACT NO. 7425, April 14, 1992 ]

ISANG BATAS NA BUMABAGO SA PAMBAYANG PAGAMUTAN SA BAYAN NG CUYAPO, LALAWIGAN NG NWEBA ESIHA, NA MAGING ISANG PANGKALUSUGANG TANGGAPAN NA MAY LIMANG KAMA, NA TATAWAGING PANGKALUSUGANG TANGGAPAN NG CUYAPO, AT NAGLALAAN NG PONDO PARA DITO



Dapat pagtibayin ng Senado at ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas na ngayon ay nagpupulong:

SEKSYON 1. Ang pambayang pagamutan sa Bayan ng Cuyapo, Lalawigan ng Nweba Esiha, ay binabago sa pamamagitan ng Batas na ito na maging isang pangkalusugang tanggapan na may limang kama, na tatawaging Pangkalusugang Tanggapan ng Aliaga.

SEK. 2. Ang halagang kakailanganin upang ipatupad ang mga probisyon ng Batas na ito ay isasama sa Batas ng Pangkalahatang Guugulin sa susunod na taon matapos pagtibayin ang Batas na ito at sa iba pang sumusunod na taon pagkaraan nito.

SEC. 3. Ang Batas na ito ay magkakabisa sa sandaling pagtibayin.

Pinagtibay,

(Sgd.) NEPTALI A. GONZALES(Sgd.) RAMON V. MITRA
President of the Senate Speaker of the House of Representatives

This Act which originated in the House of Representatives was finally passed by the House of Representatives and the Senate on October 2, 1991 and February 3, 1992, respectively.

(Sgd.) ANACLETO D. BADOY, JR.(Sgd.) CAMILO L. SABIO
Secretary of the Senate Secretary General House of Representatives

Approved: APRIL 14, 1992

(Sgd.) CORAZON C. AQUINO
President of the Philippines