[ MANILA CITY KIPASIYAHAN BLG. 431 Serye ng 2015, October 29, 2015 ]

PANGKARANIWANG PULONG BLG. 183
IKA-9 SANGGUNIANG PANLUNGSOD

KAPASIYAHAN NA HUMIHIKAYAT SA NATIONAL HISTORICAL COMMISSION OF THE PHILIPPINES NA IDEKLARA ANG PAGKILALA SA IGLESIA NI CRISTO-LOKAL NG TAYUMAN, BILANG ISANG MAKASAYSAYANG POOK SA LUNGSOD NG MAYNILA, NA MAGDIRIWANG NG SENTENARYO NG PAGKAKATATAG SA IKA-6 NG NOBYEMBRE 2015




MGA MAY-AKDA: KGG. ERNESTO M. DIONISIO, JR.
Pansamantalang Punong Mayorya
KGG. ROLANDO M. VALERIANO
KGG. EDWARD V.P. MACEDA

Pansamantalang Tagapangulo
KGG. JOHN MARVIN "Yul Servo" NIETO
KGG. SALVADOR H. LACUNA
KGG. MARLON M. LACSON

Punong Mayorya
KGG. RAYMUNDO R. YUPANGCO
KGG. FRANCISCO "Isko Moreno" DOMAGOSO

Pangalawang Punong Lungsod at Tagapangulo


SAPAGKAT, ang Iglesia Ni Cristo - lokal ng Tayuman ay magdiriwang ng kanyang ika-100 taon ng kanyang pagkakatatag sa ika-6 ng Nobyembre, 2015;

SAPAGKAT, ang lokal ng Tayuman ay itinuturing na ikalawang lokal na naitayo ni Kapatid Felix Y. Manalo kasunod ng lokal ng Punta, Sta, Ana, kung saan pansamantalang naninirahan si Ka Felix sa Kalye ng Ipil sa Tayuman;

SAPAGKAT, ang lokal ng Tayuman ay naging saksi sa mahahalagang bahagi sa makabuluhang pagbabago at kaganapan sa Lungsod ng Maynila;

SAPAGKAT, noong panahon ng digmaan sa pagitan ng Pilipinas at bansang hapon, naging sentro at tanggapang pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo ang lokal ng Tayuman;

SAPAGKAT, sa lokal din ng Tayuman isinagawa ni Ka Felix ang kauna-unahang klase ng mga Ministro sa kasaysayan ng Iglesia Ni Cristo;

SAPAGKAT, ang National Historical Commission of the Philippines (Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas) ay ang ahensiya ng pamahalaan na ang isa sa mga tungkulin ay kilalanin, pangalanan at bigyang tanda ang mga makasaysayang lugar sa Pilipinas;

SAPAGKAT, dahil sa mga nabanggit, mayroong sapat na batayan upang isaalang-alang at ituring ang Iglesia Ni Cristo - lokal ng Tayuman bilang isa sa mga makasaysayang pook sa ating bansa: KAYA, NGAYON, mangyaring

IPASIYA, tulad ng pagpapasiya ng Sangguniang Panlungsod ng Maynila na humihikayat sa National Historical Commission of the Philippines na ideklara ang pagkilala sa Iglesia Ni Cristo - lokal ng Tayuman bilang isang makasaysayang pook sa Lungsod ng Maynila na magdiriwang ng sentenaryo ng pagkakatatag sa ika - 6 ng Nobyembre, 2015; at muling mangyaring

IPASIYA, na ang mga sipi ng Kapasiyahang ito ay maipamahagi sa Iglesia Ni Cristo - Sentral, sa lokal ng Tayuman at sa National Historical Commission of the Philippines; at muling mangyaring

IPASIYA, na ang Kapasiyahang ito ay mailathala sa pahayagang may pangkalahatang sirkulasyon.

PINAMUNUAN NI:

(Sgd.) EDWARD V.P. MACEDA
Pansamantalang Tagapangulo
Sangguniang Panlungsod ng Maynila

Ipinasiya ng Sangguniang Panlungsod ng Maynila sa pangkaraniwang pulong ngayong ika - 29 ng Oktubre, 2015.

PINATUNAYAN:

(Sgd.) LUCH R. GEMPIS, JR.
Kalihim ng Sangguniang Panlungsod