[ MANILA CITY KAPASIYAHAN BLG. 432 Serye ng 2015, October 29, 2015 ]
PANGKARANIWANG PULONG BLG. 183
IKA-9 SANGGUNIANG PANLUNGSOD
KAPASIYAHAN NA NAGPAPAHAYAG NG MALUGOD NA PAGBATI AT PAKIKIISA NG SANGGUNIANG PANLUNGSOD NG MAYNILA SA PAGDIRIWANG NG IKA-100 TAONG PAGKAKATATAG NG IGLESIA Nl CRISTO - LOKAL NG TAYUMAN SA IKA-6 NG NOBYEMBRE, 2015
MGA MAY-AKDA: KGG. ERNESTO M. DIONISIO, JR.
Pansamantalang Punong Mayorya
KGG. ROLANDO M. VALERIANO
KGG. EDWARD V.P. MACEDA
Pansamantalang Tagapangulo
KGG. JOHN MARVIN "Yul Servo" NIETO
KGG. SALVADOR H. LACUNA
KGG. MARLON M. LACSON
Punong Mayorya
KGG. RAYMUNDO R. YUPANGCO
KGG. FRANCISCO "Isko Moreno" DOMAGOSO
Pangalawang Punong Lungsod at Tagapangulo
SAPAGKAT, ang tagumpay at paglago ng Iglesia Ni Cristo ay bunga ng maraming taon ng pagpupunyagi at pamamalakaya ng mga kapatid na aktibong namamahala sa iba't ibang lokal ng Iglesia;
SAPAGKAT, ang local ng Tayuman ay kinikilala bilang ikalawang lokal na itinayo ni Kapatid Felix Y. Manalo, kasunod ng lokal ng Punta, Sta. Ana;
SAPAGKAT, ang lokal ng Tayuman ay naging isang mahalagang bahagi sa pagpapatatag ng pundasyon ng Iglesia, dahil sa marami sa mga naunang kapatid na mula sa lokal na ito ay naging kasangkapan upang maipalaganap ang Iglesia sa iba't ibang lungsod at lalawigan ng Pilipinas;
SAPAGKAT, ang lokal ng Tayuman ay magdiriwang ng ika-100 taon ng kanyang pagkakatatag sa ika-6 ng Nobyembre, 2015;
SAPAGKAT, ang sentenaryo ay itinuturing ng Sangguniang Panlungsod ng Maynila bilang isang mahalagang kaganapan na dapat kilalanin at ipagdiwang: KAYA, NGAYON, mangyaring
IPASIYA, tulad ng pagpapasiya ng Sangguniang Panlungsod ng Maynila na nagpapahayag ng malugod na pagbati at pakikiisa ng Sangguniang Panlungsod ng Maynila sa pagdiriwang ng ika-100 taong pagkakatatag ng Iglesia Ni Cristo - lokal ng Tayuman sa ika - 6 ng Nobyembre, 2015; at muling mangyaring
IPASIYA, na ang Kapasiyahang ito ay mailathala sa pahayagang may pangkalahatang sirkulasyon.
PINAMUNUAN NI:
(Sgd.) EDWARD V.P. MACEDA
Pansamantalang Tagapangulo
Sangguniang Panlungsod ng Maynila
Pansamantalang Tagapangulo
Sangguniang Panlungsod ng Maynila
Ipinasiya ng Sangguniang Panlungsod ng Maynila sa pangkaraniwang pulong ngayong ika - 29 ng Oktubre, 2015.
PINATUNAYAN:
(Sgd.) LUCH R. GEMPIS, JR.
Kalihim ng Sangguniang Panlungsod
Kalihim ng Sangguniang Panlungsod