[ QUEZON CITY ORDINANCE NO. SP-2455, S-2015, December 01, 2015 ]

72th Regular Session

ORDINANSANG NAG-AATAS SA PANGKAT NG SERBISYONG PAMBATASAN, SA ILALIM NG TANGGAPAN NG KALIHIM NG SANGGUNIANG PANLUNGSOD, NA ISALIN ANG MGA PILING PINAGTIBAY NA ORDINANSA NG LUNGSOD SA WIKANG FILIPINO




Inihain ni Konsehal JULIENNE ALYSON RAE V. MEDALLA.

Tinangkilik nina Konsehal, Anthony Peter D. Crisologo, Ricardo T Belmonte, Jr., Dorothy A. Delarmente, Lena Marie P. Juico, Victor V. Ferrer, Jr., Alexis R. Herrera, Precious Hipolito Castelo, Voltaire Godofredo L. Liban III, Roderick M. Paulate, Ranulfo Z. Ludovica, Ramon P. Medaila, Estrella C. Valmocina, Allan Benedict S. Reyes, Gian Carlo G. Sotto, Franz S. Pumaren, Eufemio C. Lagumbay, Jose Mario Don S. De Leon, Jaime F. Borres, Jesus Manuel C. Suntay, Marvin C. Rillo, Vincent DG. Belmonte, Raquel S. Mala gen, Jessica Castelo Daza, Bayani V. Hipol, Jose A. Visaya, Godofredo T. Liban II, Andres Jose G. Yllana, Jr., Allan Butch T Francisco, Karl Edgar C. Castelo, Candy A. Medina, Diorella Maria G. Sotto, Marivic Co-Pilar, Rogelio "Roger" P. Juan, Melencio "Bobby" T. Castelo, Jr. at Donato C. Matias.


KUNG SAAN, ayon sa Artikulo 14, Seksyon 6 ng 1987 Konstitusyon, "Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika";

KUNG SAAN, ang Seksyon 7 ng parehong Konstitusyon ay nagsasaad na "Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga't waiang ibang itinatadhana ang batas, Ingles";

KUNG SAAN, Simula noong 1947 hanggang sa taong 2015, ang Konseho ng Lungsod Quezon ay nagpatibay ng higit sa labing tatlong libo (13,000) na mga Ordinansa kung saan, maliban sa isa, ang lahat ay nakasulat sa wikang ingles;

KUNG SAAN, ang mga batas ng Lungsod ay ipinaiiral sa kapakanan ng lahat ng mga mamamayan ng Lungsod Quezon na siyang dapat bigyan ng pagkakataon na maunawaan ang mga Ordinansang nakaka-apekto sa kanilang mga buhay;

KUNG SAAN, ang pagkakaroon ng mga kopya ng mga Ordinansa ng Lungsod na isinalin sa Filipino ay isang paraan ng pagtataguyod ng paggamit ng wikang pambansa at pagpapalawak sa pag-unawa ng mga batas.

NGAYON, SAMAKATUWID,

PAGTIBAYIN NAWA, HABANG PINAGTITIBAY ITO NG SANGGUNIANG PANLUNGSOD NG LUNGSOD QUEZON SA KARANIWANG PAGPUPULONG NITO:

SEKSYON 1.Ang Pangkat ng Serbisyong Pambatasan ng Tanggapan ng Kalihim ng Sangguniang Panlungsod ang inaatasang magsalin ng mga piling Ordinansa ng Lungsod sa wikang Filipino sa paraang nakatukoy sa ibaba:

Tuwing panahon ng ikalawang Pagbasa ng iminumungkahing Ordinansa:

  A). Kapag iminungkahi ng Pangalawang Punong Lungsod o, kung siya ay wala, sa kahilingan ng Punong Tagapangasiwa/Tagapatnubay; o         B). Kapag iminungkahi ng Pangunahing May-akda ng iminumungkahing Ordinansa. SEKSYON 2. Ang huling salin sa Filipino ng Ordinansa ay dapat isumite sa Punong Lungsod para sa kanyang pirma kasabay ng orihinal na ingles na bersyon ng Ordinansa. Kung hindi ito makakayang gawin, dapat isumite ang satin nang hindi hihigit sa 30 na araw mula sa pagpirma ng ingles na Ordinansa.

SEKSYON 3. Ang Ordinansang nakasalfin sa Filipino ay dapat lamang ilathala kasama ng ingles na Ordinansa sa kahilingan ng Pangatawang Punong Lungsod o ng Pangunahing May-akda o mga Pangunahing May-akda.

SEKSYON 4. Sa okasyon ng pagdlriwang ng Linggo ng Wika, ang Lungsod ay magsasagawa ng isang malawakang pagpapalaganap ng impormasyon sa paggamit ng teknolohiya at iba pang mga mekanismong pang komunikasyon upang itaguyod ang mga Ordinansa ng Lungsod na nakasalin sa Filipino.

SEKSYON 5. Ang Ordinansang ito ay hindi dapat maging sagabal sa pagpapanukala ng mga miyembro ng Konseho ng anumang Ordinansa na nakasulat sa Filipino bagkus, hinihikayat pa nito ang pagpapanukala ng mga Ordinansa sa wikang Filipino.

SEKSYON 6. Ang Pangkat ng Serbisyong Pambatasan, sa rekomendasyon ng Kalihim ng Sangguniang Panlungsod ay sasailalim sa isang pagsasanay upang makakuha ng angkop na kahusayan sa tamang pagsasalin ng mga Ordinansa mula sa ingles tungo sa Filipino.

SEKSYON 7. MGA PAGLALAAN - Naglalaan ng sapat na halaga upang maipatupad ang layunin ng Ordinansang ito ay sa taunang badyet ng Tanggapan ng Kalihim ng Sangguniang Panlungsod.

SEKSYON 8. SUGNAY NA NAGHIHIWALAY - Kung may alinmang bahagi o seksyon ng Ordinansang ito ang mahahatulang labag sa Saligang-Batas sa anumang dahilan, ang hatol na iyon ay hindi makakaapekto sa iba pang bahagi o seksyon ng Ordinansang ito.

SEKSYON 9. PAGPAPAWALANG BISA - Lahat ng mga ordinansa, resolusyon, utos ng ehekutibo, patakaran, regulasyon, at iba pa, o ang mga probisyon nitong salungat o hindi naaayon sa ordinansang ito ay pinawawalang-bisa o binabago.

SEKSYON 10. PAGKAKABISA - Ang Ordinansang ito ay magkakabisa sa loob ng labing limang (15) araw kasunod ng publikasyon nito sa anumang pahayagan na may pangkalahatang sirkulasyan.

PINAGTIBAY: Setyembre 14, 2015.


  (Sgd.) ANTHONY PETER D. CRISOLOGO
Konsehal ng Lungsod
Pansamantalang Punong Tagapangasiwa
   
PINATUNAYAN:   
   
(Sgd.) Atty. JOHN THOMAS S. ALFEROS III
Kalihim ng Sangguniang Panglungsod
 
   
  INAPRUBAHAN : 01 DEC 2015
   
  (Sgd.) HERBERT M. BAUTISTA
Punong Lungsod

PAGPAPATUNAY

Ito ay pagpapatunay na ang Ordinansang ito ay inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod sa ikalawang pagbasa noong Setyembre 14, 2015, at ito ay ipinasa sa pangatlo at huling pagbasa noong Setyembre 21, 2015.


  (Sgd.) Atty. JOHN THOMAS S. ALFEROS III
Kalihim ng Sangguniang Panlungsod