[ OTC MEMORANDA SIRKULAR BLG. 2014-03-005, March 03, 2014 ]
PAALAALA, PAGBABAGO AT IBA PANG PAGLILINAW PARA SA NAUNANG DIREKTIBA HINGGIL SA PAG-MENTINA NG MGA DATOS O INPORMASYON SA MGA KASAPI/MIYEMBRO NG MGA KOOPERATIBANG PANSASAKYAN
Date Filed: 13 August 2014
Para sa mas magaan, simple at direktang pag-kalap ng mga pangunahing datos o impormasyon sa inyong mga kasapi o miyembro na hinihingi namin sa aming Memoranda Sirkular Blg. 2013-06-009 (lka-04 ng Hunyo 2013), minabuti ng Tanggapang ito na kunin na lamang ang pinaka-buod ng mga kinakailangang datos o inpormasyon mula sa inyong mga kooperatibang pansasakyan.
Para sa mga kooperatiba na hindi pa nakakapag-sumite ng mga dokumentong hinihingi sa unang Memoranda, nais po naming ipaalam sa inyo na hindi na kailangang isumite sa Tanggapang ito ang mga Profile Forms para sa inyong mga kasaping drayber, operator, drayber-operator at mga manggagawa/tauhan. Maaari ninyo na lamang pakinabangan ang mga ito bilang inyong gamit pang-administrasyon kasama ng inyong mga iba pang tala, rekord o dokumento para sa inyong kooperatiba at mga kasapi. Ang dapat na lamang isumite sa amin ay ang buod na ulat o summary report gamit ang naka-Iakip na halimbawang porma o sample template . Dahil sa ang ulat na hinihingi ay buod lamang, ang karamihan sa inyong mga ibibigay na sagot ay mga bilang o numero lamang ng bawat kategorya ng datos/inpormasyon. Mangyari lamang na isumite itong hinihinging ulat na di lalampas sa ika-30 ng Hunyo 2014. Kung inyong nanaisin, maaari ninyo rin ipadala ang soft-copy nito sa pamamagitan ng electronic-mail sa email-ad na ito PLANNINGDIV.OTC@gmail.com gamit ang opisyal na email-ad ng inyong kooperatiba. Bilang karagdagan, nais po naming ipaalam sa inyo na ang ulat na ito ay magiging bahagi na rin ng mga regular ng dokumento para sa CGS renewal ng mga kooperatiba simula sa taong ito alinsunod sa kapasyahan ng OTC Board.
Makaka-asa kayo na ang mga datos o inpormasyon na aming hinihingi ay gagamitin lamang para sa pag-susuri, pag-aaral, pagpa-plano at tulong pangpolisiyang kadahilanan. Ang inyong kooperasyon at aksyon ay lubhang kinakailangan.
(SGD) MELCHOR V. CAYABYAB
Chairman