[ MEMORANDUM CIRCULAR NO. 52, June 04, 2024 ]
PRESCRIBING THE RECITAL OF THE BAGONG PILIPINAS HYMN AND PLEDGE DURING FLAG CEREMONIES
By authority of the President:
(SGD.) LUCAS P. BERSAMIN
Executive Secretary
BAGONG PILIPINAS HYMN
PANAHON NG PAGBABAGO
Panahon na ng pagbabago
Dahil sa ito ay kinakailangan
Tayo na magtulong-tulong
Na paunlatrin ang mahal nating bayan
Panahon na ng pagbabago
Dahil sa ito ay kinakailangan
Tayo na magtulong-tulong
Na paunlarin and mahal nating bayan
Panahon na ng pagbabago
At iayos and mga dapat ayusin
Dapat lang maging tungkulin
Ng bawat mamayan dito sa atin
Gawin ang pagbabago
Patungo sa pag-asenso
At nang guminhawa tayo
Ipagmalaki natin sa mundo at ipamalas
Ang Bagong Pilipino at Bagong Pilipinas
Panahon na ng pagbabago
Tangkilikin natin ang sariling atin
At tama lang na ugaliin
Kaysa sa iba sa atin ang unahin
Panahon na ng pagbabago
At manguna sa kahit anong larangan
Ang tagumpay ay karangalan
Ialay or ihandog natin sa bayan
Ilang ulit nang napatunayan ng Pilipino
Ang husay at lakas, kagandahan at talento
Handang makipag paligsahan
Kahit anong oras
Ang bagong Pilipino, ang Bagong Pilipinas
Panahon na ng pagbabago
Buhay natin ay gawing maaliwalas
Marami ang magandang bukas
Ang ibubunga ng Bagong Pilipinas
Gawin ang pagbabago
Patungo sa pag-asenso
Magsikap na mabuti
At nang guminhawa tayo
Ipagmalaki natin sa mundo at ipamalas
Ang bagong Pilipino at Bagong Pilipinas
PANAHON NA!
BAGONG PILIPINAS PLEDGE
PANATA SA BAGONG PILIPINAS
Bilang Pilipino, buong pagmamalaki kong
isasabuhay ang Bagong Pilipinas.
Buhay sa aking dugo ang lahing dakila,
magiting at may dangal
Palaging dadalhin sa puso, isip at diwa ang
aking pagmamahal sa kultura at bayang sinilangan;
Kaisa ng bawat mamamayan, iaalay ko ang aking talino
at kasanayan sa pagpapaunlad ng aking Bayan;
Taglay ang galing na naaayon sa mga
pandaigdigang pamantayan;
Magiging instrumento ako sa pagsulong ng kagalingan,
karungan at kapayapaan.
Makikiisa at makikilahok ako sa mga adhikain
ng pamahalaan dahil ang kaunlaran ay
hindi lamang responsibilidad ng iilan.
Isusulong at pangangalangaan ko ang karangalan,
kalayaan at interes ng aking bayang minamahal;
Bilang Pilipino na may pagmamahal, pakialam at malasakit;
hindi makasarili kundi para sa mas nakararami;
tatahakin ko ang landas tungo sa isang
Bagong Pilipinas!